CASH ON DELIVERY NA TAYO! LIMITED OFFER ONLY! CLICK HERE

A POSIBLE Success story: How an OFW couple started their chain of payment centers

posible success story

You see them at the airport departure area every day. It’s hard not to miss the sight: A lone man or woman surrounded by their family members for one last hug. Malamang may umiiyak na bata sa grupo, dahil alam na aalis ang mama or papa niya. Then, with one last look, the man or woman turns away and bravely pushes their luggage without looking back. Hoping na one day, they can be their own success story and give their kids the good life they deserve.

Alam na alam ito ng mag-asawang Auxiliario at Mary Ann Sios-e ng Cabuyao, Laguna. “Mahirap talaga kapag umaalis ka ng bansa,” kwento ni Mary sa amin nung binisita namin siya. “Lumalaki yung mga anak mo, hindi mo sila kasama. Yung may achievement sila o problema, hindi mo sila madamayan.

“Pero kelangan mong tiisin yun lahat kase gusto mong bigyan ng magandang buhay ang pamilya mo,” dagdag niya.

Writing their own success story

posible success story

The Sios-e couple alternately worked abroad and came back home to start a business for several years, but things did not work out easily. While Auxiliario, or Aux to his friends, worked abroad, Mary managed the business at home, which included a computer shop and diaper retail. “Mahirap,” Mary describes the experience. “First time ko mag-negosyo, hindi ako masyadong familiar sa computer, kaya later on, napilitan kami magsara.”

After another shot at working abroad to finance her children’s education, Aux finally convinced his wife to come home. This time, they agreed to start a business together. What happened next proved to be the turning point that would jumpstart their own success story.

“Naghahanap kami ng business na in demand, at tumitingin kami, na-realize namin ang haba ng pila sa mga payment center,” Mary shared to us excitedly. “Nagtingin-tingin kami, research sa social media, tapos nakita namin itong POSIBLE.”

“Natuwa kami kasi mababa lang ang starting capital nito, compared sa iba,” Aux agreed. Nag-decide agad silang bumili ng POSIBLE Business Package at nag-start na mag-negosyo sa subdivision nila. Hindi nagtagal, nakita nila ang potential ng kanilang negosyo.

From one machine to managing several outlets

After earning their additional income from processing bill payments and selling prepaid credits to the community, the couple realized they could earn even more. “Naisip namin ibenta at i-offer itong POSIBLE sa mga kakilala at kamag-anak namin,” Mary said. But not everyone among their friends was as brave as the Sios-e couple. They then started offering the product on social media and almost going door-to-door at one point.

To their delight, people did buy the POSIBLE machines from them and started earning additional income for their families. In effect, parang nagtayo ng additional branches ang mag-asawang Sios-e at sila ang may hawak ng master franchise. Sa ganitong paraan, kumikita ang bawat isang POSIBLE outlet at pati na rin ang mag-asawa.

From time to time, when they are not selling POSIBLE Business Packages, Aux and Mary would go visit their store outlets to check for problems. But at the end of the day, they can go home to be with their family. “Halos maghapon kami nasa labas,” ayon kay Mary, “pero pag-uwi namin masaya na kasama namin ang pamilya namin.”

Mas confident sa business

So how do they describe their success story? “Kelangan magtiyaga, siyempre,” sabi ni Aux, at agree sa kanya ang asawa niya. But for Mary, she can summarize it in one unique statement:

“Mas magandang mag-business kapag meron kang ka-partner,” kwento ni Mary, sabay tingin kay Aux, na napangiti. “Etong asawa ko, kasama ko siya kapag nagbibisita sa retailer o kaya magbebenta kami. Mas confident kang gumawa ng desisyon dahil alam mong may kasama ka.”

Agree po kami sa inyo.

Leave a comment